Panu nangyari na ang Iglesia ni Cristo lang daw ang maliligtas?
Ang artikulo na ito ay masilan.
Kaya una sa lahat ang mapagkumbabang damdamin at malawak na pangunawa ang kailangan para basahin ang artikulo na ito.
Kaya una sa lahat ang mapagkumbabang damdamin at malawak na pangunawa ang kailangan para basahin ang artikulo na ito.
Masakit para sa isang tao na marinig ang ganitong usapin.
Kung kaya't ang tao ay umiinit ang ulo, naasar, at nagiging sensitibo.
Sapagkat may pinaglalaban siya sa kanyang sarili.
Sapagkat meron din siyang sariling pananampalataya.
Ngunit kung salita ng Diyos ba ang kanyang mapapakinggan.
Dapat ba siyang magalit?
Dapat ba siyang magmura o maging biyolente..?
Dapat bang siraan ang relihiyon na ganito ang sinasabi?
Ang mga dahilan ng tao kung bakit ayaw nilang sumampalataya sa ganitong sinasabi ng INC.
"Pare-pareho lang daw ang relihiyon sapagkat kumikilala din sila sa Diyos at Sinasarili lang daw ng Iglesia ang kaligtasan"
Bago tayo magbasa alamin natin ang ibig sabihin ng Bibliya
Bibliya - dito nakasulat ang salita ng Diyos.
Kaya kung ano ang pahayag dito ay huwag tayong magalit.
Sapagkat salita ito ng Diyos.
Ngayon mag-umpisa na tayo.
Panu nangyari na ang Iglesia ni Cristo lang
daw ang maliligtas? "
Ayon sa ating Panginoong JesuCristo
“Ako ang pintuan;
sinumang pumasok sa loob ng kawan sa pamamagitan ko ay magiging ligtas.” (Revised
English Bible, isinalin mula sa Ingles)
Sinasarili ba ng Iglesia ang kaligtasan? ang sabi sa talata "SINUMAN"
Ngunit hindi basta basta maliligtas ang tao sapagkat ang utos "pumasok sa loob ng kawan"
Ano ba ang tinutukoy na kawan sa talatang ating binasa?
Sa Gawa
20:28:
“Ingatan ninyo kung
gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo
ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang Iglesia ni
Cristo na binili niya ng kaniyang dugo.” (Lamsa, isinalin mula
sa Ingles)
Ito ba ang tunay na iisang relihiyon?
Mateo 16:18
At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.
maliwanag ang iisang relihiyon na tinayo ng Panginoong Jesu Cristo at tunay na maliligtas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento